Saturday, January 21, 2012

Note ng walang magawa sa buhay xD

Bakit kaya naloloka ang ibang tao kapag wala silang lovelife? I mean, masyadong big deal sa kanila ‘yon. Get’s mo ba ako? Hindi no? hahaha! Bigyan kita ng example..

            Dati, nakatext ko yung isang guy. Actually, friend ko siya. Ka-clan. Tinext niya ako kasi may tinanung siya. About ‘yon sa friend kong babae. Sinagot ko yung tanung niya kasi akala ko naman wala lang ‘yon. Then, nalaman ko na kaya niya tinanung ‘yon kasi nabasted siya ni girl, yung friend ko, at gusto niya malaman kung sino yung ibang gusto ni girl. Nahurt siya kasi ka-clan din namin si girl pati yung nagugustuhan nun. Bale magkakasama kami sa isang grupo lang. Nung malaman ko ‘yon, nagulat talaga ako. Dinamayan ko na lang si guy kasi “brokenhearted” siya. Or so I thought. Kasi bigla na lang siyang bumanat ng: “Ano kaya kung ikaw na lang ligawan ko?” Tama ba ‘yon? Ginawa pa niya akong spare tire. Hahaha! Nashock talaga ako nung tinext niya ‘yon sakin kasi akala ko brokenhearted siya. Dapat nag-mourn muna siya. LOL. Nag-mourn talaga? Ibig kong sabihin, nasaktan siya, dapat pinalipas niya muna yung sakit diba? Sa ginawa niya, parang sinabi niya na rin na wala lang sa kanya ‘yon. Nagduda tuloy ako. Feeling ko hindi naman niya minahal talaga si girl. Maybe he was just fascinated with my friend. Or maybe it was pure infatuation. I don’t know. It was just my hunch. Hula ba? Haha! Pero ang tingin ko talaga gusto lang niyang magkaroon ng girlfriend.

            Kung itatanung mo pa sakin kung anong nangyari after nun, sasabihin ko sa’yo. Niligawan niya yata ako. Hindi ako sure kasi hindi ko naman naramdaman na nanligaw siya sakin. Tinetext niya lang ako. Tingin mo panliligaw na ‘yon? Parang hindi diba? Binasted ko siya kasi may nagugustuhan akong iba. Parang ako din yung friend ko na niligawan niya. History repeats itself. Pero ganoon talaga ang life. Nahurt ko din siya. Guilty ako dun. Pero anong magagawa ko? Mahal ko nung time na ‘yon yung elementary classmate ko. Kaso magmamahal na nga lang ako, sa isang paasa pa. Badtrip diba? Pero ngayon naka-move on na ako. Thank God. Nauntog eh. Haha!

            Alam mo, guilty din ako sa itinanung ko. Dati, atat na atat ako magkaroon ng boyfriend. Gusto ko maranasan yung mga nararanasan ng ibang girl. Nakakainggit kasi pag nakakakita ka ng lovers sa public place diba? HHWW, flowers, chocolates, sweet nothings, anniversaries, I love you, I love you too, Hugs and Kisses. Lahat yan kinainggitan ko. Kaso wala talagang mararating ang inggit. Hanggang ngayon loveless pa rin ako. Haha! May nanligaw naman sakin pero hindi ko naman sinagot kasi nga “The feeling is not mutual”.

            Actually, hindi na ako nagmamadali sa ganyang bagay. Kung darating naman ‘yon sa buhay ko eh di iwewelcome ko siya with open arms. LOL. Kasi ang buhay hindi iikot sa lovelife lang. May mas importante pa kesa dun. Kung ‘yon ang uunahin ko, matutulad ako sa karamihan ng pinoy dito sa bansa natin. Inuna pa ang pag-aasawa. Nasaan na sila ngayon? Nasa ilalim ng tulay, squatter’s area, gilid ng ilog, bangketa. Kung papipiliin ako: Lovelife o Career? Career syempre. Haha! Kaya nga naghahanap ako ngayon ng kakaririn este career pala. Wala din kasi ako nun. Malas ko no? Pero ganoon talaga. Ang buhay kasi parang bato. It’s freaking hard!!! Naalala ko tuloy yung sinabi ni Tonya. Isa syang fictional character sa isang pocketbook series na binabasa ko. Ang author nun eh si Ms. Vanessa. Ang linya nya na hinihiram ko kapag trip kong gamitin, “May factor talagang gano’n eh no?”

            May factor talaga kasi akong gano’n. Haha! So tungkol nga ba saan to? Ahm. Wala lang! Wala kasi akong magawa sa buhay. Hahaha! wtf. Bigte na tayo people! xD




No comments:

Post a Comment